Isang katagang napakadaling sabihin, ngunit hindi lahat ay may gustong magsabi at ipangalandakan sa buong mundo na HOY! PINOY AKO!
Ano nga ba ang basehan ng pagiging tunay na Pinoy? Natural na unang masasabi ay dapat nasa dugo mo ito at dapat lamang na hindi mo itinatago ang totoo mong pagkatao…
But then again, lots of Filipino people are somehow dictated by time and society. Ops! Bago ko ituloy ang nais kong sabihin, malamang ang mga kapwa ko pilosopo ay biglang magtanong ng “Akala ko ba Pinoy ka? Ba’t di nagta-Tagalog?” Una, huwag nyo’ng ipagpilitan na Tagalog ang pambansang wika natin at baka sugurin kayo ng mga Kapampangan, Cebuano, at Ilokano… Filipino po at hindi Tagalog ang National language natin, na binubuo ng samu’t saring salita na sumasalamin sa ating nakaraan. Kasama ang Tagalog, English, Spanish at sa ngayon, mga salita na galling sa teknolohiya na medyo imposibleng Tagalugin. Going back to what I was saying, Filipinos have this tendency of becoming slaves of what society and media are feeding them. Siguro dahil na rin sa hirap ng kalagayan natin, marami sa atin ang gustong umalis na lang, kesa manatili pa sa bansang kinagisnan.
May isang blogspot sa ngayon na tumawag ng atensyon ko… Sa URL pa lang nagtatanong na ang may likha…
May isang entry dun na kahit title lang ang mabasa mo, tatamaan ka na agad. Isang katanungan na bumagabag sa akin at malamang ay isang katanungan na kanya ring itinanong sa sarili nya.
“Pagod ka na ba’ng maging si Juan?”
Ano nga ba’ng dapat na isagot?
Confusion suddenly rushed in to my mind and the question became swarms of mad locusts in my mind, trying to desperately get out of my head. I never expected that I’ll be highly affected by such question, and the patriotism within me just burst out like the sun, but seemingly no flame returned…
I started thinking… Am I tired of being a Filipino?
Sa dami ng taong nasabihan ko na isa ako’ng patriot, ngayon ko lang naisip na sa lahat ng ginawa ko at mga balaking nais gawin, kakayanin ko pa ba na magpatuloy kung mismong ang mga taong nakapaligid sa akin ay unti-unti nang kinakain ng pangarap na lisanin ang Pilipinas, at sa bawat usaping buhay na naririnig ko, ang katagang madalas lumabas ay “Wala na tayo’ng pag-asa.”
Nakakalungkot na lang din isipin na may mga taong nagtatago ng sarili nilang katauhan para lamang ipagtakpan ang totoo nilang pagkatao. Tulad na lang ng mga nabasa ko sa libro ni Bob Ong na “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro and mga Pilipino?” Nabanggit doon na may mga Pilipino sa ibang bansa na nagpapanggap na iba ang bayan na kanilang pinaggalingan, para lang masabing cool sila.
Come to think of it, we have tons of people like that inside our own country!
Sila yung mga taong panay pilit mag-English para lang masabing cool sila, kahit alam naman ng lahat ng nakakarinig na sablay ang pagkaka-banggit ng mga salita… Pasintabi sa mga natural mag-salita ng English, hindi kayo ang pinatatamaan ko kundi yung mga tinatawag nating “Trying Hard” at “Posers”. Sila yung mga taong gugustuhin mo’ng isumbong sumbong kay bonggang-bonggang Bong-Bong.
Another frustration of mine (and there goes the word again), is how come people refuse to help their fellow Filipino to move forward just for their personal gains? From my experiences being a volunteer, I saw people being manipulated and exploited just because some people just don’t want to pay for labor. I’m talking about the Dumagats and the illegal loggers in Montalban Rizal. Good thing we were able to at least, slowly but surely, make them realize that they have so much potentials in them and they don’t need to be slaves of this kinds or oppression.
Siguro pasalamat na lang din ako sa grupo namin at kahit papaano, naisip ko na hindi pa nga ako pagod maging Pilipino, at namulat ako sa maraming katotohanan sa mundo. Siguro hangga’t may mga taong nagpapasalamat sa akin at mga taong napapasaya namin sa bawat tulong na naibibigay namin, babalik at babalik ang kagustuhan ko na manatiling isang Pilipino at ipag-patuloy ang laban para sa pagbabago. Sana nga lang, dumami rin ang mga taong kumikilos para sa pagbabago at hindi lamang nakatunganga sa isang tabi na panay lang ang tanong kung bakit sila miserable.
I’m not tired of being Filipino because I am a volunteer for change…
http://profiles.friendster.com/v4change
1 Comment so far
Leave a comment
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Thanks sa pagpost ng komento sa blog na Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan? at salamat sa napakagandang artikulong ito… tunay nga na dapat tayong magtulungan para maging maganda ang ating bayan… kung gusto mo email mo ako at invite kita sa blog na sinimulan ko sa wordpress ang http://pinoyblogmovement.org
Shen 10.11.08 @ 8:33 am