Filed under: Weblogs | Tags: Ago, Back Packing, Jetro Rafael, Marie, Robert Alejandro, roland matanza, tensai
Last Saturday, I went to Trinoma to attend a forum about back packing, and I was able to find out some interesting facts…
I got the opportunity to meet two outstanding Filipinos, Jetro Rafael and Robert Alejandro.
I think they are worth the title “outstanding” because of their capabilities of making something possible, when everyone else thinks it’s not, and even with a tight funding.
I was really amused with this two people because they were able to accomplish something big, even if there were a lot of odds in the way. The task was they will tour the whole South East Asia and some parts of China in a limited time, and limited money.
Kahit na medyo sumablay kami sa pagpunta dahil walang nakakaalam ng lung anong oras magsisimula yung forum, kahit papaano may naabutan pa rin naman. Buti na lang din kakilala ni Marie at AGO (mga kasama ko sa V4CHANGE, Ka-Friendster at Ka-Multiply ko rin) yung dalawa (Nakasama ni Marie si Robert Alejandro sa PROBE, at nakilala naman ni Ago si Jetro Rafael sa isang film shooting) so medyo may napala pa rin kami sa pagpunta namin doon.
We just proceeded to the showing of the video package of their journey through Asia and they were showing just about everything that they have done, all the hardships they had to endure, and the expenses that they had to take. Overall, it was a nice video to watch, not only because they were showing places from other parts of the world, but because of the inspiring story behind the task.
Pagkatapos nun, medyo may konting usapan at kamustahang naganap, although medyo na-OP ako ng konti, ayus lang dahil at least, nakilala ko naman yung dalawa kahit na papaano.
Maganda siguro na tularan ang mga ito, hindi man sa paglalakbay, ngunit sa ibang bagay na rin. Pwede silang gawing inspiration para sa mga pangyayari sa buhay natin, lalo na sa mga isyu ng bayan natin. Gawan ng paraan ang mga bagay na sinasabi ng karamihan ay imposible, at siguraduhin natin, lalo na dyan sa mga kapwa ko kabataan, na imbes na nagrereklamo tayo kung bakit kulang kulang ang bansa natin… kulang sa disiplina, kulang sa alaga, kulang sa pagkain, kulang sa kalinga ng gobyerno, kulang sa edukasyon, kulang sa pera, kulang sa paligo, kulang sa pansin, kulang sa pansit, o kulang man sa height, mas maganda na may ginagawa tayo para sa mga kakulangan na yan. Tulad nga ng sinabi ni Mohandas Karamchand Gandhi, “You must be the change that you want to see in the world.” Na ang ibig sabihin, kesa magreklamo ka kung bakit ang buhay mo ay miserable dahil walang tumutulong sayo, ikaw na mismo ang tumulong sa sarili mo. Kesa magmukmok ka sa isang tabi at panay ang tanong kung bakit hindi kumpleto and koleksyon mo ng albums ng Eraserheads dahil wala kang pambili, ikaw na mismo ang kumilos. At kesa maghintay tayo ng mga kasinungalingan na na-promise satin ng mga pulitiko, tayo na mismo ang gumawa. Dahil sa totoo lang, nakakaawa ang mga taong panay lang ang dada sa daan, pero sya mismo, pag-uwi sa bahay, ay wala rin namang ginagawa para sa ikabubuti ng lahat.
Bottom-line, make sure that you are the change that you want to see and always believe that everything is possible. Walang imposible sa isang Pilipinong naniniwala sa pagbabago.
1 Comment so far
Leave a comment
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>



salamat sa magandang pagsususlat tungkol sa aming backpacking talk! ingat lagi
Robert alejandro 09.20.09 @ 6:19 pm