Tensai’s Sanctity


Hoy! Ikaw… Opinyon mo ang kailangan ko…
January 13, 2007, 4:15 am
Filed under: Uncategorized

Before I start with this blog, I just want to tell you guys about some few changes… first, hindi na po ito pure English na tulad ng dati kong ginagawa… I just thought, I don’t have to be bounded by a language that not everyone can deeply comprehend and I don’t have to look cool just because I can write and speak the language fluently… Kailangan lang sya gamitin kung kelan lang talaga kailangan…

Now on to my blog…

Gusto ko sanang mang-hingi ng opinion sa lahat ng taong nakakabasa at nagbabasa ng blog ko… Tulad ng nabanggit ko sa isang reply sa email, dito rin sa Friendster, I’m currently in the middle of a strong wanting… and that wanting is to write…

Yup! Tama ang nabasa mo… nais kong magsulat… hindi lamang ng isang tula, essay tungkol sa isang bagay na wala naman akong pakialam, blog na tungkol sa mga litanya ko sa love life, article sa isang dyaryo, o vandalism sa likod ng upuan sa bus, kundi ng isang libro na maglalaman ng mga bagay-bagay na natutunan ko, narinig ko, naituro sa akin, napanood ko, at mga bagay na gusto ko pang malaman sa kasalukuyang mundo na aking hinaharap…

Sa ngayon, ito ay maituturing parin na pangarap, but then again, I have the liberty to create… Hindi man ito maging kasingsikat na tulad ng mga gawa ng mga batikang author sa bansa katulad ng mga librong mabibili sa mga suking tindahan na may mga mukha ng kung sinong dinrowing ng kung sinong tao, na naglalaman ng love story ng kung sinong nilalang, at least maisakatuparan ko ang pangarap na ito, at hindi mag-isip balang araw na “Paano kaya kung ginawa ko ang…?”

Wala naman akong balak na maging sikat… but because of my inner feeling of craving to write, I just want to give it a shot… wala naman siguro mawawala eh… and I don’t really have plans of publishing a large number of copies of the possible book… saka na lang siguro yun kung magkakaroon ako ng maraming fans!

Well, hanggang dito na lang muna ang blog ko dahil sa tawag ng kalikasan… at opinyon lang naman talaga ang habol ko… Gusto ko rin sana ipaalam na sa ganitong style ko rin pala gagawin ang nasabing libro… more of a free flowing style of writing na ilalagay ko lang lahat ng gusto ko ilagay, na naaayon sa standards ng nakararami kung ano ang pagkakaintindi nila sa salitang “decent”